Ipinahayag kahapon ni Ban Ki-moon na kahit palugitan ang deadline ng pag-aalis ng mga santadang kemikal mula sa Syria, patuloy pa ring magsisikap ang magkasanib na delegasyon ng UN at Organisation for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) para alisin at sirain ang mga naturang sandatang kemikal.
Ayon sa pahayag ni Ban, dahil sa epekto ng ilang teknikal na elemento, hindi ipinatupad ang itinakdang target ng pag-aalis ng unang pangkat ng mga sandatang kemikal mula sa Syria bago ang huling araw ng taong 2013. Pero hinangaan ni Ban ang natamong progreso ng komunidad ng daigdig sa pag-alis at pagsira ng mga sandatang kemikal ng Syria.
Salin: Ernest