Ipinatawag kahapon ng Ministring Panlabas ng Timog Korea si Kenichi Kobayashi, Minister ng Hapon Timog Korea sa mga Suliraning Pulitikal para iprotesta ang balak ng Hapon ng na ilagay sa mga middle school textbook ng bansa "ang Dokdo Islands o Takeshima Islands sa wikang Hapones bilang pag-aari ng Hapon."
Hinimok din ng Timog Korea ang Hapon na itakwil ang naturang balak. Kung hindi, isasabalikat ng Hapon ang responsibilidad sa pagkakaapekto ng relasyon ng dalawang bansa, anang Minister. Anito pa, buong lakas na pangangalagaan ng Timog Korea ang kabuuan ng teritoryo nito.