Ipinaalaala kahapon ni Ybdatukdr. Wan Junaidi, Pangalawang Ministro ng Suliraning Panloob ng Malaysia, sa mga turistang Tsino at Indyano sa Malaysia na mula Singapore o Thailand, na kailangan silang pumasok ng Malaysia sa pamamagitan ng paliparan para makakuha sila ng visa on arrival.
Sinabi niya na ang mga turistang papasok sa Malaysia sa pamamagitan ng linyang panghanggahan o daang panlupa ay hindi makakakuha ng visa on arrival. Naaprobahan na ng gabinete ang nasabing bagong tadhana, at nagsimula itong magkabisa ngayong buwan, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng