Nakipag-usap kahapon sa Phnom Penh si Punong Ministrong Hun Sen ng Kambodya sa kanyang Vietnames counterpart na si Nguyen Tan Dung.
Sinabi ni Hun Sen na nakahanda ang Kambodya na ibayo pang pasulungin ang pakikipagtulungan sa Vietnam sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng transportasyon.
Sinabi naman ni Nguyen Tan Dung na inaasahang pahihigpitin ang kooperasyon ng dalawang panig sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng bangko, telekomunikasyon, agrikultura, transportasyon at turismo.
Dumalo rin kahapon ang dalawang puno sa ika-4 na Porum ng Pamumuhunan ng Kambodya at Vietnam, at mga may-kinalamang aktibidad.