Ipinahayag kahapon ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na nitong taltong taong nakalipas, nakita't napatunayan na hindi kayang lutasin ng paraang militar ang isyu ng Syria. Kaya aniya ang talastasang pulitikal ang siyang tanging paraan para malutas ng isyung ito. Dagdag pa ni Wang, dapat igiit ng komunidad ng daigdig ang tamang paninindigan sa paglutas ng nasabing isyu.
Kaugnay ng ika-2 pandaigdigang pulong hinggil sa isyu ng Syria na idaraos sa Geneva, sinabi ni Wang na nakahanda ang panig Tsino na patuloy na magbigay ng konstruktibong papel para rito.
Naniniwala aniya siyang sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng komunidad ng daigdig, mahahanap ang isang plano na tatanggapin ng iba't ibang may kinalamang panig para lutasin ang isyung ito.
Salin: Ernest