Nag-usap kahapon dito sa Beijing ang mga mataas na opisyal ng Tsina at Estados Unidos hinggil sa mga estratehikong isyung panseguridad.
Ito ang inter-sessional meeting ng Estratehikong Diyalogong Panseguridad ng dalawang bansa.
Magkasamang nangulo sa pulong sina Zhang Yesui, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at William Burns, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos.
Sa ilalim ng tapat, pragmatiko at konstruktibong atmospera, nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa isyung kapuwa pinahahalagahan na gaya ng estratehikong seguridad at komprehensibong seguridad. Ipinahayag din nilang maayos na magpapatuloy ang Estratehikong Diyalogong Panseguridad ng dalawang bansa para mapasulong ang pagtitiwalaan.
Salin: Jade