|
||||||||
|
||
Ayon sa website ng State Oceanic Administration (SOA) ng Tsina, tatlong sasakyan ng China Coast Guard (CCG) ang nagpatuloy ng regular na pamamatrolya kahapon sa teritoryong pandagat sa paligid ng Diaoyu Islands ng bansa.
Kabilang sa nasabing mga sasakyan ay CCG2350, 2166 at 2506.
Ayon pa rin sa SOA, noong 2013, naisagawa ng CCG ang 50 regular na pamamatrolya sa Diaoyu Islands.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |