|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon sa regular na preskon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matatag at hindi mababago ang determinasyon at kalooban ng Tsina sa pangangalaga sa Diaoyu Islands. Pero, nagsisikap aniya ang Tsina para mapayapang malutas ang hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Ani Hong, ang nasyonalisasyon ng Hapon sa Diaoyu Islands ay malubhang lumapastangan sa teritoryo at soberanya ng Tsina, at nagdulot ito ng malubhang kahirapan ng relasyong Sino-Hapones. Aniya, ang paglalayag ng mga bapor ng Tsina sa Diaoyu Islands ay normal na aktibidad.
Ayon sa ulat, sinabi ni Suga Yoshihide, Chief Cabinet Secretary ng Hapon, na posibleng magpadala sila ng tauhan sa Diaoyu Islands para palakasin ang kanilang kontrol doon. Tungkok dito, ipinahayag ni Hong, na labis na ikinababahala ito ng Tsina. Kung gagawa ang Hapon ng probokasyon, dapat isabalikat nito ang lahat ng resulta, dagdag niya.
Salin: Andrea
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |