Mohammad-Javad Zarif sa Munich Security Conference
Ipinahayag kamakalawa ni Mohammad Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran na hindi ititigil ng kanyang bansa ang pagdedebelop ng bagong centrifuge sa proseso ng gaganaping talastasan hinggil sa pinal na kasunduan sa isyung nuklear ng Iran sa ika-18 ng Pebrero.
Inihayag ni Zarif ang nasabing paninindigan sa Munich Security Conference. Idinagdag niyang hindi itatakwil ng Iran ang pananaliksik sa bagong centrifuge para sa pinal na kasunduan sa isyung nuklear ng bansa. Nanalig aniya siyang matitiyak ang mapayapang paggamit ng Iran ng teknolohiyang nuklear sa idaraos na talastasan.
Sa ika-18 ng buwang ito sa Vienna, Austria, magtatalakayan ang Iran at ibang anim na bansa na kinabibilangan ng Tsina, Amerika, Rusya, Britanya, Pransiya at Alemanya hinggil sa pinal na kasunduan sa isyung nuklear ng Iran.
Salin: Jade