Muling hiniling kahapon ni Prasit Boonchoey, Tagapangulo ng Asosasyon ng mga Magsasaka ng Thailand, sa Caretaker Government na ibigay ang naantalang kabayaran ng kanilang inaning palay noong nagdaang taong 2013 sa ilalim ng rice-pledging program ng pamahalaan. Dagdag pa niya, dapat ibenta ng pamahalaan ang mga reserbang bigas para maibigay ang naturang kabayaran.
Ayon sa ulat, ang kabuuang bolyum ng nasabing naantalang kabayaran ay umabot sa 120 bilyong Thai Baht o halos 24 bilyong Yuan RMB.
Ipinahayag ni Suthep Thuagsuban, lider ng demonstasyong kontra sa pamahalaan, na kinakatigan nila ang kahilingan ng mga magsasaka at nakahanda nilang ipagkaloob ang kinakailangang tulong.