|
||||||||
|
||
Sa Sochi, Rusya, binati rito kahapon ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang Tsina sa pagkakapanalo nito ng unang medalya sa idinaraos na Winter Olympics.
Si Han Tianyu, 17 taong gulang, ang nanalo kahapon ng medalyang pilak sa men's 1,500m short track speed skating.
Ipinahayag ni Putin ang nasabing pagbati sa kanyang pagbisita kahapon sa China House sa Zhemchuzhina Hotel sa Sochi. Nakipagdiyalogo rin siya sa delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Liu Peng, Direktor ng Pangkalahatang Administrasyon ng Isports ng Tsina.
Sinabi ni Putin na sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Xi Jinping na dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng Sochi Olympics, ipinagmamalaki ni Xi ang mga manlalarong Tsino. Ipinagdiinan ni Putin na kahit hindi nanguna ang Tsina sa isports na pantaglamig, masisipag at may talento naman ang mga atletang Tsino. Inaasahan niya ang pagpapakita ng galing ng mga manlalarong Tsino sa Sochi Olympics.
Opisyal na sinimulan ang Sochi Winter Olympics noong ika-8 ng buwang ito sa Sochi, Rusya.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |