Nadakip kahapon ng caretaker government ng Thailand si Sonthiyarn Chuenruethai-naitham, prominenteng miyembro ng oposisyon na siyang nagbalak at nagsagawa ng demonstrasyon laban sa pamahalaan, dahil sa paglabag sa "Batas ng Pangkagipitang Kalagayan." Ihaharap din ng pulisya ang kaso ng high treason laban sa kanya.
Pagkaraang ibilanggo si Sonthiyarn Chuenruethai-naitham, ipinahayag ni Suthep Thuagsuban, Puno ng oposisyon na bibigyan si Sonthiyarn Chuenruethai-naitham ng legal na tulong.
Samantala, kasalukuyang nagpapatuloy ang demonstrasyon ng oposisyon sa Bangkok sa pamumuno ni Suthep Thuagsuban.