Ipinahayag kahapon ni Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Caretaker Government ng Thailand, na mangangalap ang kanyang pamahalaan ng sapat na pondo para mabayaran ang mga magsasaka na lumahok sa rice-pledging program.
Umaasa siyang hindi iuugnay ng mga demonstrador na kontra sa pamahalaan ang nasabing insidente at kasalukuyang pambansang kalagayan para mahadlangan ang gawain ng pamahalaan sa pagbigay ng mga naantalang kabayaran. Sinabi niya na mabagal ang proseso ng pagbayad dahil kailangan nito ang mga may kinalamang proseso at pagsusuri ng batas.
Bukod dito, ipinahayag ni Kittiratt Na-Ranong, Ministrong Pinansiyal ng Thailand, na sa kasalukuyan, sinang-ayunan ng mga bangkong komersyal ng Thailand ang pagkakaloob ng pautang sa pamahalaan at pagkatapos ng paglalagda ng kontrata ng pamahalaan at naturang bangko, agarang tinanggap ng mga magsasaka ang kanilang naantalang kabayaran sa inaning palay noong nagdaang taong 2013.
Samantala, ipinasiya ng Lupong Elektoral ng Thailand, na isasagawa sa Ika-20 at Ika-27 ng Abril ang re-election, pero sa mga lugar na matatag at may sapat na kondisyon para maigarantiya ang maayos na pagdaraos ng mga re-election.
Salin: Ernest