Ipinahayag kahapon ni Sugeng Rahardjo, Bagong Embahador na Indones sa Tsina, na ang Indonesya at Tsina ay parang dalawang magkapatid na may komong layunin; ang na maging masagana at masaya ang pamumuhay ng mga mamamayan, at maging mapayapa at matatag ang pag-unlad ng mga kapitbansa.
Ipinahayag pa ng Embahador Indones, na mayroon siyang dalawang pangunahing tungkulin: pagpapasulong ng relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa, at pagpapanatili ng kapayapaan ng rehiyong Asya-Pasipiko. Samantala, gusto rin aniya niyang maisakatuparan ang tatlong pangyayari: una, paabutin ang kalakalang Indones at Tsina sa 100 bilyong dolyares; ika-2, paghikayat ng mas maraming kompanyang Tsino na mamuhunan sa Indonesya at ika-3, paghikayat ng mas maraming turistang Tsino na maglakbay sa Indonesya.