|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina ang kahandaan ng kanyang bansa na pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership sa Indonesia.
Winika ito ni Wang sa kanyang pakikipagtagpo sa counterpart mula sa Indonesia na si Marty Natalegawa sa Montreux, Switzerland.
Tinukoy ng ministrong panlabas na Tsino na noong Oktubre, 2013, sa biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Indonesia, ipinatalastas ng mga lider ng dalawang bansa na itatag ang nasabing partnership. Aniya pa, batay sa nabanggit na partnership, sa taong ito, dapat pasulungin ng dalawang panig ang mga pragmatikong pagtutulungan sa iba't ibang larangan.
Idinagdag ni Wang na nakahanda ang Tsina, kasama ng Indonesia, na pasulungin ang relasyong Sino-ASEAN. Aniya, kabilang sa mga pangunahing programa sa taong ito ay ang pagpapasulong ng talastasan ng Tsina at mga bansang ASEAN para malagdaan ang Kasunduang Pangkapitbansa, Pangkaibigan at Pangkooperasyon; ang pagdaraos ng Taon ng Pagpapalitang Kultural ng Tsina at ASEAN; ang pagsisimula ng talastasan hinggil sa upgrading ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina't ASEAN (CAFTA), ang paghahanda para sa pagtatatag ng Bangko ng Asya sa Pamumuhunan sa Impraestruktura, at ang maayos na paggamit ng Pondong Pangkooperasyon sa Dagat ng Tsina at ASEAN.
Ipinahayag naman ng ministrong panlabas ng Indonesia ang kahandaan ng kanyang bansa na pahigpitin ang bilateral na pagtutulungan ng Indonesia at Tsina, at pasulungin ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |