Ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na dadalo sa bagong round ng diyalogo ng anim na bansa at Iran tungkol sa isyung nuklear ang delegasyong Tsino na pamumunuan ng Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina na si Li Baodong. Gaganapin bukas sa Vienna ang diyalogong ito.
Ani Hua, sa kasalukuyan, pumasok na sa masusing yugto ang nasabing diyalogo. Aniya, ang pagpapasulong ng pagtatamo ng positibong bunga ng diyalogo, ay makakatulong sa pagpapatibay ng positibong tunguhin ng kooperasyon, at sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon. Ito ay nangangailangan ng magkakasamang pagsisikap ng iba't-ibang panig, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng