Tatlong araw na bagong round ng talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran ang idaraos bukas sa Vienna, Austria. Ito ay naglalayong simulan ang proseso ng komprehensibong paglutas sa naturang isyu. Ang talastasan ay lalahukan ng mga kinatawan mula sa Iran at anim na may-kinalamang bansang kinabibilangan ng Amerika, Pransya, Britanya, Rusya, Tsina at Alemanya.
Nauna rito, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Mohammad Javad Zarif ng Iran na ang paunang kondisyon ng kanyang bansa sa talastasan ay pangangalaga sa sariling karapatan at interes ng Iran.