Binigyang-diin kahapon ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng Tibet ay nabibilang sa suliraning panloob ng Tsina. Kaya aniya, sa kabila ng pagtutol ng panig Tsino, ang pakikipagtagpo ni Pangulong Barack Obama ng Amerika kay Dalai Lama ay nagsisilbing malubhang pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina at nakapipinsala sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Dalai Lama, ipinahayag ni Obama ang pagkatig sa paninindigan ni Dalai sa pagtatatag ng "Malaking Rehiyong Awtonomo ng Tibet" kung saan sumasaklaw sa kasalukuyang lawak ng Tibet, Qinghai, ilang bahagi ng Sichuan, Yunnan, Xinjiang at Inner Mongolia ng Tsina.
Ipinahayag ni Qin na si Dalai Lama ay hindi lamang isang lider sa rehiliyon, kundi isang political refugee na nagsusulong ng paghihiwalay ng kanyang inangbayan. Sinabi pa niya na walang anumang katibayang pangkasaysayan at batayang legal ang paninindigan ni Dalai Lama at ang esensya nito ay pagpapatupad ng pagsasarili ng Tibet at paghiwalay sa kabuuan ng teritoryo ng Tsina.
Kaugnay ng pag-unlad ng Tibet, sinabi ni Qin na hindi dapat predyudisiyal na pakitunguhan ng iilang bansa ang mga natamong bunga ng Tibet nitong mahigit 60 taong nakaraan. Kaya umaasa aniya siyang ititigil ng panig Amerikano ang pagkatig sa mga tauhang naninindigan sa pagsasarili ng Tibet at itigil din nito ang pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina.