1 bata ang nasawi at di-kukulangin sa 41 ang nasugatan sa insidente ng pamamaril na naganap kagabi sa Probinsyang Trat sa Thailand habang nakikinig sila sa talumpati ng demonstrador kontra sa pamahalaan.
Hanggang sa kasalukuyan, ang naturang 41 nasugatan ay nasa hospital pa rin at hindi alam kung sino ang nagsagawa ng nabanggit na pag-atake.
Bukod sa talumpati, palagiang isinagawa ng mga demonstrador ang mga palabas ng sayaw at kanta para hikayatin ang panonood ng mga mamamayan, lalo na ng mga bata.