Sa isang nakasulat na pahayag na inilabas kahapon ni Yingluck Shinawatra, Caretaker Punong Ministro ng Thailand, itinanggi niya ang umano'y pagpapabaya at pag-abuso niya sa tungkulin sa usapin ng proyekto sa bigas. Ayon pa sa pahayag, umaasa si Shinawatra na makatarungang ipapatupad ng Anti-Corruption Commission ng bansa ang batas.
Sinabi ni niyang bilang Punong Ministro at Tagapangulo ng Lupon sa Patakaran ng Bigas ng bansa, siya lamang ang namamahala sa pagbalangkas ng mga may-kinalamang patakaran, at wala siyang kinalaman sa mga isyu ng kongkretong detalye.
Napagpasiyahan kamakailan ng Anti-Corruption Commission ng Thailand na humarap sa pagdinig si Shinawatra hinggil sa naturang isyu, sa ika-27 ng buwang ito. Ayon sa katugong batas, kung aakusahan ng kasong pagpapabaya at pag-abuso sa tungkulin si Shinawatra, dapat ihinto kaagad ang kanyang tungkulin sa pamahalaan. Dapat din niyang harapin ang impeachment proceeding.