Sinabi kahapon ni Wang Min, Pangalawang Kinatawan ng Tsina sa UN, na dapat ibayo pang pasulungin ang paglutas sa isyu ng Syria sa paraang pulitikal upang aktuwal na mapabuti ang makataong kalagayan ng bansang ito.
Nang araw ring iyon, idinaos ng ika-68 Pangkalahatang Asemblea ng UN ang pulong hinggil sa makataong kalagayan ng Syria. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Wang na ang paglutas ng isyu ng Syria sa paraang pulitikal ay ang susi ng paghupa sa kasalukuyang krisis sa humanitaryan ng bansang ito. Iminungkahi ni Wang na dapat aktibong lumahok ang pamahalaan at oposisyon ng Syria sa pandaigdigang pulong, itigil ang sapupaan at marahas na aksyon sa isa't isa, makipagkoordinahan sa pagsisikap ng komunidad ng daigdig, at igiit ang talastasan para mapaliit ang agwat ng hidwaan ng dalawang panig.
Inilahad ni Wang ang mga gawain ng Tsina para pabutihin ang kalagayan ng humanitaryan ng Syria. Inulit niya na patuloy na ipagkakaloob ng Tsina ang mga makataong tulong sa Syria at bilang isang responsableng bansa sa daigdig, patuloy din ang Tsina sa pagkatig ng medyasyon ng UN sa paglutas ng isyu ng Syria at pagpapatingkad ng positibong papel sa pagpapasulong ng pangmatagalan, komprehensibo at mapayapang paglutas ng isyung ito.
Salin: Ernest