Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Xu Ningning, Executive Director ng China – ASEAN Business Council, na pormal na sinimulan ng kanyang organisasyon ang proyekto ng ugnayan ng mga industriya sa pagitan ng Tsina at ASEAN para mapasulong ang pagtutulungan at pag-uugnayan ng mga industriya ng magkabilang panig.
Sa isang may kinalamang simposyum, isiniwalat ni Xu na magkasunod na idaraos ang pulong at porum para sa kooperasyon ng mga industriya sa pagitan ng Tsina at ASEAN sa darating na Hunyo at Oktubre. Samantala, batay sa naitatag na lupong kooperatibo ng kape, pagkain, sapatos at iba pang industriya, itatatag nila ang isang serye ng samahan para mapabuti ang mekanismo ng industry docking.