Makaraang maganap ang teroristikong pag-atake noong nagdaang Sabado sa Istasyon ng Tren ng Kunming, kabisera ng lalagiwang Yunnan sa dakong timog-kanluran ng Tsina, ang mga bansang ASEAN ay nagsipahayag ng kanilang matinding kondemnasyon dito.
Magkakasunod na nagpalabas ng pahayag ang mga Ministring Panlabas ng Biyetnam, Malaysia, Kambodiya at Singapore bilang pakikiramay sa mga biktimang Tsino ng nasabing karahasang teroristiko. Ipinagdiinan nilang walang kapatawaran ang anumang teroristikong aktibidad na nakatuon sa inosenteng sibilyan. Ipinahayag din ang kanilang suporta sa Pamahalaang Tsino sa pagbibigay-dagok sa terorismo at ang kanilang kahandaang makipagtulungan dito sa panig Tsino.
Salin: Jade