Ipinahayag kahapon ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang dahilan ng kasalukuyang alitan hinggil sa isyu ng Diaoyu Islands at East China Sea ay unilateral na panunulsol ng Hapon ng hidwaan. Aniya, umaasa ang panig Tsino na mataimtim na makakatugon ang Hapon sa paninindigan ng Tsina, tumpak na mahaharap ang kasaysayan at katotohanan, at isasagawa ang tunay na diyalogo at pagsasanggunian sa Tsina hinggil sa mga may kinalamang isyu.
Ayon kay Qin, maliwanag ang paninindigan ng Tsina hinggil sa isyu ng Diaoyu Islands at East China Sea. Aniya, ipinalalagay ng panig Tsino na dapat kontrolin ng dalawang panig ang pagkakaiba sa paraan ng diyalogo at pagsasanggunian. Ngunit, aniya, nitong nakalipas na ilang araw, patuloy na unilateral na nagsimula ang Hapon ng hidwaan, at nabawasan o tinanggihan ang mataimtim at substansyal na diyalogo sa Tsina. Ito aniya ay pundamental na dahilan ng kasalukuyang situwasyon ng isyu ng Diaoyu Islands at East China Sea.
Salin: Andrea