Isang mensahe ang ipinadala kamakalawa ni Punong Ministrong Thongsing Thammavong ng Laos kay Premyer Li Keqiang ng Tsina, bilang tugon sa teroristikong pag-atakeng naganap kamakailan sa Kunming, lalawigang Yunnan, Tsina. Ipinahayag ni Thammavong ang mahigpit na pagkondena sa naturang insidente at pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.
Sinabi rin ni Thammavong na nananalig siyang maayos na hahawakan ng Tsina ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa insidente, alinsunod sa batas, para mapanumbalik ang katatagang panlipunan.