Nag-usap kahapon sa telepono sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina at Susan Rice, National Security Adviser ng Amerika.
Inilahad ni Rice ang paninindigan ng kanyang bansa sa kasalukuyang situwasyon ng Ukraine.
Binigyang-diin naman ni Yang, na dapat lutasin ang isyu ng Ukraine alinsunod sa lehitimong karapatan at interes ng mga mamamayan nito. Umaasa aniya siyang makapagtitimpi ang ibat-ibang panig para maiwasan ang eskalasyon ng kalagayan, at malulutas ang krisis sa pamamagitan ng paraang pulitikal.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa relasyong Sino-Amerikano.