|
||||||||
|
||
Hanggang ngayong tanghali, nawawala pa rin ang Malaysia Airlines Flight MH370. Wala pa ring nahanap na bagay na kumpirmadong galing sa eroplano. Gayunpaman, patuloy sa pagliligtas at paghahanap ang mga grupong panaklolo mula sa Tsina, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Thailand, Indonesia, Vietnam, Australia, New Zealand at Estados Unidos.
Buong-higpit na sinusubaybayan ng mga lider ng Tsina, Malaysia at iba pang mga may kinalamang bansa ang paghahanap at pagligtas.
Tumawag si Pangulong Xi Jinping ng Tsina noong hatinggabi kahapon sa Ministring Panlabas ng bansa para malaman ang pinakahuling progreso ng search and rescue.
Ipinahayag naman ni Pangulong Najib Razak ng Malaysia na ang paghahanap at pagliligtas ng nawawalang eroplano ay ang pinakapangunahing tungkulin ng bansa.
Dahil 7 paseherong Indones ang lulan ng eroplano, ipinahayag din ni Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesia ang kanilang pagpapahalaga sa paghahanap at pagliligtas.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng umaga noong nagdaang Sabado (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.
154 sa 239 na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |