Kinumpirma kahapon ng Malaysia at Biyetnam na hanggang sa ngayon, hindi pa nakikita ang anumang bagay sa karagatan ng paghahanap na napatunayang mula sa flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Ayon pa sa ulat, dumating ng Malaysia kahapon ang joint working group ng Pamahalaang Tsino na binubuo ng Ministring Panlabas, Ministri ng Pampublikong Seguridad, Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon, at Pangkalahatang Administrasyon ng Abiyasyong Sibil ng bansa. Ang pangunahing gawain ng grupong ito ay hahawakan ang insidente ng pagkawala ng kontak ng naturang eroplano.
Ayon kay Pham Quy Tieu, Pangalawang Ministro ng Komunikasyon ng Biyetnam, naaprobahan na ng Biyetnam ang pagpasok ng mga panaklolong bapor mula sa Tsina, Malaysia, Singapore, at Estados Unidos, sa may-kinalamang karagatan para maisagawa ang search at rescue operation. Hanggang sa kasalukuyan, 34 na eroplano at mahigit 40 panaklolong bapor ang nagsasagawa ng gawain ng paghahanap at pagliligtas sa nasabing karagatan.
Salin: Li Feng