Ipinahayag kamakailan ni Yang Yanyi, Embahador ng Tsina sa Uniyong Europeo (EU) na ang komprehensibong pagpapalalim ng reporma ay hindi lamang makakabuti sa sustenableng pag-unlad ng Tsina mismo, kundi makakabuti sa iba pang bansa sa daigdig.
Ipinahayag ito ni Yang sa simposyum na tinawag na "Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Relasyon ng Tsina at EU" na idinaos ng The Center for Europaen Policy Studies.
Aniya, sa hinaharap, magsisikap ang Tsina at EU para maisakatuparan ang "Estratehikong Plano ng Kooperasyon ng Tsina at EU sa 2020," at aktibong pasusulungin ang talastasan hinggil sa kasunduan ng pamumuhunan ng Tsina at EU. Magkasamang lalahok ang nasabing mga bansa sa pandaigdig na pagsasaayos sa loob ng framework ng G20 at World Trade Organization at magpapasulong ng mga napagkasunduan sa Doha Round Talks.
salin:wle