Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sugong Tsino sa EU, inihambing ang magkakaibang atityud sa kasaysayan ng mga lider ng Alemanya at Hapon

(GMT+08:00) 2014-01-03 11:19:17       CRI

Bilang tugon sa pagbisita kamakailan ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang 14 na class-A criminals noong World War II (WWII), sumulat ng artikulo kamakailan si Wu Hailong, Sugo ng Tsina sa Uninyong Europeo (EU) sa lingguhang diyariyong New Europe ng EU.

Sa kanyang artikulo, inihambing ng Sugong Tsino ang magkakaibang atitiyud sa kasaysayan ng mga lider ng Alemanya at Hapon.

Anang artikulo, noong ika-7 ng Disyembre, 1970, sa kanyang biyahe sa Warsaw, Poland, lumuhod si dating Chancellor Willy Brandt ng Alemanya sa harap ng monumento bilang paggunita sa mga Hudyo na pinaslang ng mga Nazi noong WWII. Ang aksyon ni Brandt ay itinuturing bilang pagsisi sa krimen ng mga Nazi noong WWII.

Pagkaraan ng WWII, ang mga chancellor ng Alemanya ay hindi lamang umamin ng war crimes ng Nazis at humingi ng paumanhin rito mula sa mga biktima, buong-sikap din silang nagsagawa ng iba't ibang hakbangin para tulungan ang mga kabataang Aleman na malaman ang mga krimen ng Nazis.

Salungat sa aksyon ng mga lider na Aleman, maraming beses na nagbigay-galang ang ilang lider na Hapones sa mga war criminals na idinadambana sa Yasukuni Shrine. Ipinakikita nitong ayaw pagsisihan ng mga lider na Hapones ang kasaysayang mapanalakay ng militarismong Hapones at ayaw rin nilang humingi ng paumanhin sa mga nabiktimang bansang Asyano.

Ipinagdiinan ng sugong Tsino na 43 na taon na ang nakaraan mula nng lumuhod si Brandt sa Warsaw bilang pag-ako ng krimen ng Nazis, at natamo ng kanyang aksyon ang paumanhin at paggalang ng daigdig, at masasabing nakatindig na ang Alemanya. Aniya pa, kung hindi tumpak na pakikitunguhan at malalimang pagsisisihan ni Abe ang kasaysayang mapanalakay ng militarismo ng Hapon, patuloy naman siyang nakaluhod sa korteng pangkasaysayan bilang akusado.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>