Sa Beijing — Ipininid ngayong araw ang Taunang Sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Pinagbotohan at pinagtibay ng 2910 kinatawan ang Government Work Report na ginawa ni Premyer Li Keqiang, Plano ng Pagpapaunlad ng Pambansang Kabuhayan at Lipunan sa Taong 2014, Badyet ng Pamahalaang Sentral at Lokal, at iba pa.
Ayon sa salaysay, 16 na rebisyon ang nagawa sa Government Work Report. Kabilang dito, mahalaga ang 6 na rebisyon na pawang may-kinalaman sa pangunahing gawain sa kasalukuyang taon.
Salin: Li Feng