Pitong araw na ang nakararaan sapul ng pagkawala ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines. Kasalukuyang ipinagpapatuloy ng mga bansa na kinabibilangan ng Tsina, Malaysia, Vietnam, Amerika ang paghahanap at pagliligtas sa mga pasahero ng nawawalang eroplano, pero, wala pa itong bagong progreso.
Ipinahayag ng Maritime Search at Rescue Center ng Tsina na kasabay ng patuloy na paghahanap at pagliligtas, nagbalak itong idaos ngayong araw ang pulong para pahigpitin ang pakikipagpalitan sa mga may kinalamang dalubhasa, para sa pagbalangkas ng search at rescue operation sa hinaharap.
Ipinahayag kahapon ng White House na alinsunod sa pinakahuling impormasyon, isang lugar sa Indian Ocean ay magiging bagong direksyon ng paghahanap at pagliligtas sa Flight MH370. Anito pa, kasalukuyang binibigyan ng Amerika ng tulong ang Malaysia hinggil sa usaping ito.