Pumasok na sa ika-10 araw ang insidente ng pagkawala ng flight MH370 ng Malaysia Airlines. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang anumang progreso hinggil dito.
Nitong ilang araw na nakalipas, magkakahiwalay na nakikipagkoordina at nakikipagsanggunian ang mga bansa't organisasyon na gaya ng Pransya, India, Thailand, at International Criminal Police Organization (ICPO), sa panig Malaysiyano. Ipinangako rin nila ang pagkakaloob ng iba't-ibang uri ng pagkatig sa aspekto ng pag-imbestiga, paghahanap, at pagliligtas. Kasabay nito, hinihiling ng panig Malaysiyano sa mga may-kinalamang bansa na tulungan ito sa pagtiyak ng lokasyon ng nawawalang eroplano. Sa kasalukuyan, umabot na sa 25, mula 14 ang bilang ng mga bansang lumahok sa search and rescue operation.
Salin: Li Feng