"Dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa 3rd Nuclear Security Summit sa Hague, Netherlands." Ito ang ipinahayag ni Pangalawang Ministrong Panlabas Li Baodong ng Tsina, kahapon.
Sinabi ni Li na ilalahad ng Pangulong Tsino ang paninindigan ng Tsina sa nuclear security, mga hakbang at tagumpay na natamo nito sa pagpapahigpit ng seguridad na nuklear, at mungkahi sa pagpapalakas ng pagtutulungang pandaigdig sa larangang ito. Samantala, idaraos din ang ilang mga bilateral na pag-uusap sa pagitan ng Pangulong Tsino at mga kalahok na counterpart ng ibang bansa, na kinabibilangan ng lider na Sino-Amerikano,dagdag pa niya.
Ang tema ng naturang summit ay pagpapahigpit ng nuclear security at pagpigil sa nuclear terrorism. Dadalo sa pulong ang mga lider ng 53 bansa at mga organisasyong pandaigdig.