Ayon sa ulat ng opisyal na pahayagang New Light of Myanmar ngayong araw, sinabi kahapon ni Tin Aye, Tagapangulo ng Lupong Elektrol ng Myanmar, na para maigarantiya ang pagiging malaya at makatwiran ng pagdaraos ng pambansang halalan sa taong 2015, itinakda nila ang regulasyon ng pangangampanya at humingi sa mga partido na magharap ng mungkahi hinggil dito.
Ayon kay Tin Aye, sa kasalukuyan, nakikipagkooperasyon ang kanyang lupon sa isang organisasyong pandaigdig at pinaplanong idaraos ang pilot voting sa darating na Mayo sa ilang lunsod at nayon.