Kaugnay ng impormasyong isinapubliko ng pamahalaan ng Australia na natuklasan sa satellite ang "pinaghihinalaang debris" mula sa Flight MH 370 ng Malaysia Airlines sa South Indian Ocean, ipinahayag kahapon ni Hishamuddin Hussein, nanunuparang Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na buong sikap na titiyakin nito ang posisyon ng naturang "pinaghihinalaang debris."
Sinabi niyang kung kumpirmado ang natuklasang bagay ay mula sa Flight MH 370, ang paghahanap ng black box ay magsisilbing masusing tungkulin sa susunod na yugto. Pero, mahirap ang gawaing ito, sabi niya.