Binuksan kahapon sa Hague ang 3rd Nuclear Security Summit. Sa kanyang talumpati sa pulong, inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ideya ng bansa sa nuclear security, na ang pangangalaga sa nuclear security ay paunang kondisyon sa pagpapasulong ng enerhiyang nuklear; dapat igalang ang karapatan at interes ng ibat-ibang bansa sa paggamit ng enerhiyang nuklear; dapat maisakatuparan ang panlahat na nuclear security sa pamamagitan ng mutuwal na kapakinabangan, at dapat alisin ang mga pinag-uugatang isyu sa seguridad ng nuklear.
Binigyang-diin niyang nitong 50 taong nakalipas, nananatiling ligtas ang operasyong nuklear sa Tsina, at napapabuti ng bansa ang mga katugong batas sa usaping ito. Dagdag pa niya, pinapasulong din ng Tsina ang pagtutulungang pandaigdig sa larangan ng nuclear security.
Ang tema ng kasalukuyang summit ay "Pagpapahigpit sa Nuclear Security at Pagpigil sa Teroristikong Puwersang Gamitin ang mga Sandatang Nuklear." Dumalo sa pulong ang mga lider ng 53 bansa at mga organisasyong pandaigdig.