Sinabi kahapon ni Najib Tun Razak, Punong Ministro ng Malaysiya na ang black box ng nawawalang flight MH370 ng Malaysia Airlines ay tanging bagay na puwedeng magpaliwanag kung anong nangyari sa nasabing eroplano at masigasig na hinahanap ito ng panig Malay.
Ipinahayag pa ni Najib na sobrang masalimuot ang kalagayan ng lugar ng paghahanap, kaya, kailangan ng panig Malay ang espesyal na pagkatig at hindi puwedeng hawakan ito nang sarili. Binigyan-diin niyang walang intensyon na ilihim ng panig Malay ang mga impormasyon sa mga kamag-anakan ng nawawalang pasahero at mga may kinalamang bansa.