Patuloy hanggang ngayong araw ang paghahanap sa Flight MH370 ng Malaysia Airlines sa katimugan ng Indian Ocean na malapit sa Australia. Kalahok sa operasyong ito ang mga eroplanong militar at pansibilyan, at limang bapor na kinabibilangan ng apat mula sa Tsina.
Nauna rito, ipinahayag kahapon ng Australia na kung marerekober ang mga labi ng eroplanong ito, saka lamang magkakaroon ng breakthrough sa operasyon ng paghahanap. Anito pa, walang deadline para sa paghahanap.
Sa pagtatagpo nang araw ring iyon, ipinahayag naman ng mga kalihim ng tanggulan ng Amerika at Britanya, na bago makuha ang mas maraming impormasyon hinggil sa MH370 o matuklasan ang black box ng eroplano, hindi maiaalis ang posibilidad ng mga pangyayaring gaya ng terorismo at karasahang pulitikal. Anila pa, patuloy na magbibigay-tulong ang dalawang bansa sa paghahanap.
Salin: Liu Kai