Ngayong tanghali, isang preskon ang idinaos sa Kuala Lumpur International Airport ng Malaysia Airlines tungkol sa insidente ng pagkawala ng flight MH370.
Nang sagutin ang may kinalamang tanong ng mamamahayag, ipinahayag ni Tan Sri Md Nor Yusof, Presidente ng Malaysia Airlines, ang huling lokasyon ng nawawalang eroplano ay nasa himpapawid ng South Indian Ocean na malayo sa lupa, kaya walang posibilidad na lumapag ito sa lupa. Ito aniya ay ebidensiya sa "bumagsak na ang MH370."
Dagdag pa niya, patuloy hanggang sa ngayon ang kinauukulang imbestigasyon.
Salin: Li Feng