Sa isang regular na preskon kahapon, ipinahayag ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na 3 plano ang iniharap ng panig Tsino para sa paglutas sa isyu ng Ukraine. Ang naturang 3 plano ay kinabibilangan ng una, itatag sa lalong madaling panahon ang mekanismo ng koordinasyong pandaigdig na bubuuin ng iba't-ibang may-kinalamang panig para talakayin ang kalutasang pulitikal sa krisis ng Ukraine; ikalawa, sa panahong ito, hindi isasagawa ng iba't-ibang panig ang mga aksyong ibayo pang magpapalala sa situwasyon; ikatlo, isang organo sa pandaigdigang pinansiya ang dapat lumahok sa talakayan, at dapat din nitong tulungan ang Ukraine sa pangangalaga sa katatagan ng kabuhayan at pinansiya ng bansang ito.
Tungkol naman sa isyu ng reporma sa proporsiyon ng International Monetary Fund (IMF), sinabi ni Hong na hinihiling ng panig Tsino sa mga may-kinalamang bansa na pasulungin ang pag-aaproba ng kanilang parliamento sa kinauukulang mosyon.
Salin: Li Feng