Kaugnay ng pagboto kahapon sa UN Security Council upang bumuo ng panukala hinggil sa isyu ng reperendum na isinagawa sa Crimea ng Ukraine, ipinahayag ngayong araw ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi pa ito ang angkop na panahon upang itakda ang nasabing resolusyon. Aniya, ang nabanggit na panukala ay magpapalalim ng komprontasyon sa pagitan ng iba't ibang panig ng Ukraine at magdudulot ng pagiging mas masalimuot ng kalagayan sa bansang ito.
Sa nasabing pagboto sa UNSC, ang Rusya ay bumoto ng pagtutol, kaya hindi pinagtibay ang panukala. Nag-abstain naman ang Tsina sa pagboto.
Nanawagan si Qin na magtimpi ang iba't ibang panig sa isyu ng Ukraine. Sinabi pa niyang ang kasalukuyang pangunahing gawain ay ang buong sikap na pagpapasulong sa paglutas sa isyung ito sa paraang pulitikal.
Salin: Ernest
1 2