Ayon sa pahayagang "Lianhe Zaobao" ng Singapore ngayong araw, naapektuhan ng insidente ng pagkawala ng flight MH370 ng Malaysia Airlines ang industriya ng turismo ng Malaysia at Singapore. Kinansela ng di-kukulangin sa 30% ng tour groups sa Tsina ang kanilang biyahe sa Malaysia.
Umaasa ang Malaysia noong una na makakatanggap ang bansa ng 28 milyong turista, at ang mga turistang Tsino ay pangunahing bahagi nito. Ayon sa pagtaya, mababawasan ng 400 libo hanggang 80 libo ang bilang ng mga turistang Tsino sa Malaysia sa kasalukuyang taon. Dulot nito, mawawalan ang industriya ng turismo ng Malaysia ng 4 hanggang 8 bilyong Yuan, RMB na kita.
Salin: Li Feng