Ipinahayag kahapon ni Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na walang balak ang kanyang bansa na pasukin ang Ukraine. Dagdag pa niya, umaasa ang kanyang bansa na mapapanatili ang katatagan ng kasalukuyang kalagayan ng Ukraine.
Sinabi ni Lavrov na tinatalakay ng kanyang bansa, kasama ng mga kanluraning bansa na gaya ng Amerika, Alemanya, at Pransya, ang hinggil sa isyu ng Ukraine. Ikinagagalak aniya ng Rusya ang pagliit ng agwat ng dalawang panig sa isyung ito.
Nakahanda aniya ang Rusya na magkipagtulungan, kasama ng mga bansang kanluranin, para iharap ang mga mungkahi sa Ukraine hinggil sa pagtigil ng mga ilegal na aksyon at pagsimula ng reporma sa bansa.