Nagtagpo kahapon sa Brussels sina Anders Fogh Rasmussen, Pangkalahatang Kalihim ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) at Barack Obama, Pangulo ng Amerika, Binigyang-diin nilang dapat palakasin ang kolektibong depensa.
Pagkaraan ng pagtatagpo, sinabi ni Rasmussen na matatag ang pagkatig ng NATO sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Ukraine. Palalakasin ng NATO ang pakikipagtulungang militar nito sa Ukraine at bibigyan nito ng tulong ang sandatahang lakas ng Ukraine para maisakatupran ang modernisasyong militar.