Sa kanyang katatapos na biyahe sa Alemanya mula ika-28 hanggang ika-30 ng Marso,
bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para ilahad ang pananangan ng bansa sa landas ng mapayapang pag-unlad.
Kaugnay ng talumpati ng pangulong Tsino sa Korber Foundation, sinabi ni Michael Schafer, dating sugo ng Alemanya sa Tsina, na batay sa kasaysayan ng Tsina, inilahad ni Pangulong Xi ang dahilan ng pagtahak ng bansa sa landas ng mapayapang pag-unlad. Mababasa aniya sa nasabing talumpati ni Xi ang tiwala sa sarili at kamalayan ng Tsina sa mapayapang pag-unlad. Nakakatulong aniya ang talumpating ito sa pag-aalis ng duda ng ilang bansang Europeo sa pag-unlad ng Tsina.
Sinabi naman ni Abdul Wahab Sakit, dating puno ng opisina sa Tsina ng Liga ng mga Bansang Arabe (Arab League), na ang talumpati ni Pangulong Xi ay nagpapakita ng katangian ng kulturang Tsino na nagtatampok sa harmonya at magkakasamang eksistensiya. Ipinakikita rin aniya nito ang pagmamahal ng mga mamamyang Tsino sa kapayapaan at paglaban sa digmaan.
Salin: Jade