|
||||||||
|
||
Sa Brussels, Belgium—nagtagpo kahapon dito sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Haring Philippe ng Belgium.
Kapuwa ipinahayag ng dalawang panig na patuloy silang magsisikap para mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.
Pinasinayaan din nina Pangulong Xi at Haring Philippe ang panda house sa Pairi Daiza Zoo sa Brugelette, Belgium.
Bilang bahagi ng magkasamang siyentipikong pananaliksik ng Tsina at Belgium, isang pares ng giant panda ang ipinadala ng Tsina noong nagdaang Pebrero sa Pairi Daizi Zoo na 60 kilometro ang layo mula sa Brussels.
Kapuwa apat na taong gulang sina Hao Hao, ang pandang babe, at Xing Hui, ang lalaki. Manunuluyan sila sa Belgium sa susunod na 15 taon.
Nang makita ni Xi ang mga panda sa pasinaya, sinabi niyang mukhang nasasanay na ang mga ito sa bagong tahanan sa Belgium.
Ang panda ay itinuturing ng mga mamayang Tsino na sugo ng pagkakaibigan. Idinagdag ni Pangulong Xi na umaasa siyang mamahalin ng mga batang Belgian ang dalawang panda at maidedebelop din nila ang pagmamahal sa Tsina at kulturang Tsino.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |