Ayon sa ulat kahapon ng Tanggapan ng Tagapagsalita ng UN, nag-usap kamakalawa sa telepono sina Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN at Thein Sein, Pangulo ng Myanmar at hinimok ang pamahalaan ng Myanmar na igarantiya ang seguridad ng mga tauhan at instalasyon ng UN.
Sa lunsod ng Sittwe, Rakhine State, Myanmar, naganap ang kaguluhan sa mga demonstrador sa tapat ng tanggapan ng UN at mga Pandaigdig na Organisasyong Di-Pampamahalaan. Tungkol dito, nanawagan si Ban sa pamahalaan ng Myanmar na tupdin ang obligasyong igarantiya ang seguridad ng lahat ng mga tauhan at instalasyon, batay sa may kinalamang kasunduan, at ibigay ang tulong sa mga gawain ng UN at mga Pandaigdig na Organisasyong Di-Pampamahalaan sa lokalidad.
salin:wle