Kasalukuyang pinapahigpit ng Tsina at Australia ang paghahanap mula sa himpapawid at karagatan sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines. Kahapon, 10 eroplano at 10 bapor na ipinadala ng dalawang panig ang lumahok sa search operation sa karagatan malapit sa gawing kanluran ng Australia.
Ipinahayag kahapon ni Punong Ministrong Tony Abbott ng Australia na ipagpapatuloy nito ang gawaing ito hanggang natuklasan ang mga nalalabing bahagi ng eroplano.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Tagapagsalitang Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na sinimulan ng Tsina ang paghahanap, kasama ng ibat-ibang may kinalamang bansa, sa karagatan ng South Indian Ocean na may lawak ng 320 libong kilometro kuadrado. Aniya, magsisikap ang Tsina hangga't maaari para sa search operation.
Sinabi rin kahapon ni Tony Abbott na 550 propesyonal na tagapagligtas ang kasalukuyang nagtitipon sa Australia para sa search operation. Sila ay mula sa Tsina, Australia, New Zealand, Amerika, Malaysia, Hapon at Timog Korea, dagdag pa niya.