Dumating kahapon ang isa pang grupo ng kamag-anak ng mga pasaherong Tsino ng nawawalang Malaysia Airlines flight MH370. Bumisita sa kanila ang mga kinatawan mula sa Embahada ng Tsina sa Malaysia at magkasanib na work group ng Pamahalaang Tsino, na nakabase sa Kuala Lumpur. Ipinahayag ng mga kamag-anak ng mga pasahero na ang layunin ng kanilang pagdating sa Malaysia ay alamin ang totoong nangyayari hinggil sa nawawalang eroplano.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas-dose kuwarenta'y uno (12:41) ng umaga noong nagdaang Sabado (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.
Isandaa't limampu't apat (154) sa 239 na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade